Lambat Lighthouse Headstart
Ang LLH ay programang educasyon na sinimulan ng mag-asawang missionary na sina Conrad at Violy Tolosa para sa mga Pilipino edad 3 hanggang 6.
Tulad ng maraming early childhood educators, naniniwala sina Conrad at Violy Tolosa na ang formative years ng tao ay nagsisimula sa edad 3 at ang development ng kanyang belief at value system ay nagpapatuloy hanggang edad 7-11. Kaya sa kanilang adhikain ay mahalaga na sa simula pa lamang ng paghakot ng kaalaman, ang belief system ng bata ay dapat na maituon sa tatlong haligi: ang totoo (yaong sang-ayon sa sinasabi ng Diyos), ang mabuti (yaong nagbibigay kasiyahan sa Diyos) at ang tama (yaong sang-ayon sa kalooban ng Diyos). Ang pinaka thought construct ng values formation program ng LLH ay ito: Ang pinaniniwalaan ng tao (belief system) tungkol sa kalikasan ng Diyos at kalikasan ng tao ang huhubog sa kanyang mga pahahalagahan (value system) na siyang magdidikta ng kanyang ugali o pagkilos (behavior) na kapuna-puna sa tatlong aspeto ng buhay: ang political life (ang kanyang relasyon sa awtoridad), social life (ang kanyang relasyon sa kapwa) at economic life (ang kanyang pangangasiwa ng taglay niyang panahon, talento at abilidad, at resources. Ang partisipasyon ng magulang subject ng Values ay binibigyang diin at importansya para sa kabuoang sa grade ng bata.
Curriculum
Tampok dito ang Christian values formation kasama ang apat na subjects – English, Pilipino, Science at Numeracy.
Dahil sa ang professional medium of communication sa Pilipinas at ang patuloy na globalization ng mundo, kinakailan na matuto ang batang Pilipino sa murang edad ng English language. Karamihan ng instructional manuals at learning materials na babasahin ng Pilipino sa kanyang lifetime ay nakasulat sa English.
Bagamat binibigyan ng malaking importansya ng LLH ang English subject, hindi naman ibig sabihin nito na kalimutan na ang wikang Pilipino. Ang kahalagahan ng Pilipino subject ay kalakip sa pagiging makabayan ng Pilipino o sa kanyang paniniwala na ang pagkatao ng Pilipino ay inferior compara sa ibang lahi. Naniniwala sina Conrad at Violy Tolosa na ang national identity ng tao ay kadikit ng kanyang pagpapahalaga sa sariling wika; at ang identity crisis ng sangbayanang Pilipino ay nagpapatuloy pa rin sa mga sector ng ating lipunan.
Ang Science ay mahalaga sa pag-unawa ng ating universe at sa mga batas na sumasakop dito dahil sa epekto nito sa buhay ng tao. Ang pagpapahalaga sa buhay ng tao at sa pangangalaga ng kanyang kalusugan ay kasama sa paghuhubog ng kanyag pagkatao. Sa Science subject din nabibigyang diin ang tungo sa pagiging makakalikasan sa murang edad ng mga bata.
Ang mga bata ay tinuturuan din ng pagbibilang sa subject na Numeracy. Natututo sila ng simpleng addition at subtraction na magiging bahagi rin ng kanilang buhay habang sila ay lumalaki.
Philosophy of Christian Education
Ang pilosopiya ng Christian education ng LLH ay may taglay na ilang presuposisyon:
- Ang isipan ng tao ay matinding naapektuhan ng kasalanan. Hindi niya kayang maintindihan ang mga katotohanang espirituwal kung siya ay aasa lamang sa kanyang sariling pang-unawa.
- Bagamat ang tao ay matinding naapektuhan ng kasalanan, hindi naman sukdulang nabura ang imprenta ng wangis ng Diyos sa kanyang kaluluwa. [Romans 8:6, 12:2; James 3:9]
- Dito sa imprentang ito nangungusap ang pagtuturo ng totoo, mabuti at tama at hindi sa kanyang natural na pangangatuwiran (natural reasoning power).
- Kailangan ng tao ang Banal na Espiritu sapagkat Siya lamang ang tanging nakapagbibigay liwanag sa isipan ng tao tungkol sa mga katotohanang espirituwal na kinakailangan niyang malaman. [1 Corinthians 2:14]
- Ginagamit ng Diyos ang mga guro bilang tulay sa pagpapaliwanag ng Kanyang mga katotohanan. [Romans 12:7]
- Ang Bibliya ang tanging pinagmumulan ng impormasyon sa pagtuturo ng katotohanan, kabutihan at tama. [2 Timothy 3:16-17]
- Ang magulang ang dapat manatiling pangunahing values educators ng kanilang mga anak. [Deuteronomy 6:6-9; Ephesians 6:4; 1 Timothy 3:4]
- Ang pamumuhay ng tao ay bunga ng kanyang value system na bunga naman ng kanyang belief system. Upang mabago ang ugali ng tao, kailangan munang mabago ang kanyang belief system. Susunod na rito ang pagbabago ng kanyang value system. Dito sa bagay na ito nakatutok ang Lambat Values Education Program.
We minister to the children’s parents by holding Parenting Seminars because we believe that they are the primary values educators of their children.
Methodology of Teaching
Ang LHH ay may metodolohiya ng pagtuturo ng mga konsepto tungkol sa katotohanan, kabutihan at katuwiran na nagtataglay ng mga sumusunod na gabay:
- Ang universal-to-particular o ang big picture method. Ibig sabihin, mauunawaan ng mga estudyante ang mga particular na bagay at pangyayari kapag naunawaan nila ang universal. Tingnan natin ang Bibliya: Sa simula nilikha ng Diyos (universal) ang langit at lupa (mga particulars). Ang tanging reference point ng totoo, mabuti at tama ay Diyos lamang. Kapag tama ang pagkaunawa ng tao sa kalikasan ng Diyos, tatama rin ang kanyang pang-unawa sa kalikasan ng tao at sa lahat ng bagay na may kinalaman sa buhay, langit at mundong kanyang ginagalawan. Kaya napakahalaga na ang mga pinaniniwalaan ng mga estudyante tungkol sa Diyos ay nakatuon sa katotohanan. Dito nakasalalay kung tatama ang kanilang pang-unawa sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang buhay at kapaligiran.
- Pagsasalaysay. a) kuwento na taglay ang mga pamilyar na bagay at sitwasyon sa buhay ng mga estudyante, b) kuwento mula sa Bibliya.
- Pagtingin kay Cristo bilang role model sa pagsasabi ng totoo at paggawa ng mabuti at tama.
- Paghihikayat ng masusing pag-iisip o critical thinking sa pamamagitan nang pagtatanong kung ano nga ba ang nangyari sa ginamit na kuwento upang ang mga estudyante ay makapag-isip-isip.
- Paggamit ng visual aids o graphics para sa mga visual learners, ang story telling ay pabor sa mga auditory learners at movement activities, tulad ng pag-awit na may motion, para sa mga kinesthetic learners.
- Pagdadrama ng kuwento.
- Dahil ang mga magulang ang dapat manatiling primary values educators ng kanyang mga anak, lalong-lalo na ang ama ng tahanan, ang mga gawaing bahay na ibibigay sa mga estudyante ay naka-disenyo upang hilingin ng bata ang tulong ng kanilang mga magulang.
How to Get Started
Ang mga sumusunod ay ang mga requirements upang ma-qualify bilang partner ng LLH:
1) Kailangan mayroong space para pagdausan ng clase (maaaring sa loob ng church o ibang lugar na uupahan ng church)
2) Pag-aaralan at sasagutin ng pastor ang Makadiyos na Magulang Module bilang entry point.
3) Pag-aaralan at sasagutin ng pastor ang mga modules ng Pananaw sa Buhay at Mundo at Mapaglingkod na Pamumuno within the school year upang maituro din niya ang mga modules na ito sa kanyang volunteer teachers.
4) Ang mga volunteer teachers ay aattend ng Teacher’s seminar na ipinagkakaloob ng Lambat at sasagutin nila ang teacher’s quiz.
5) Pag-aaralan at sasagutin din ng mga volunteer teachers ang tatlong modules na binanggit sa itaas bilang bahagi ng kanilang continuing education.
6) Ang mga volunteer teachers ay aatend ng mga seminars na isasagawa ng Lambat upang patuloy na mahasa ang kanilang teaching skills.
Ang mga sumusunod ay mga requirements ng gobyerno upang makakuha ng Mayor’s permit (kung kinakailangan):
1) Pumunta sa Licensing Office/Department sa City/Municipal Hall upang makakuha ng list of requirements para sa permit to operate.
Ang mga sumusunod ang mga requirements na dapat mong makuha:
a. Barangay clearance
b. Sanitary permit (ang mga volunteer teachers ay ipapa-eksamen sa barangay health center)
c. Fire Safety Inspection permit (kailangan bumili ng fire extenguisher para ma-isyuhan nito)
2) I-submit lahat ng mga permit sa Mayor’s office upang ma-isyuhan ng Mayor’s Permit.









Comments
ako po ay asawa ng pastor na merong pre school para sa mga anak ng drug pusher, prisoner, street children at mahihirap na mamamayan ng paliparan. Interesado po ako sa inooffer ninyong programa. meron po ba kayo telepono o puede po ba maki pag set ng appointment.
Gloria ” aloi” Satorre
DL 9029417
Cel # 0917 8463293
Maraming salamat sa inyong pagbisita ni Ptr Don dito sa office ng Lambat. We look forward to partnering with you.
Blessing to you and your ministry.
Ate Gin Tolosa
gud day po ako po c pastor howard ng door fo faith bataan nais ko po n lumapit s lambat s inyo pra maka pag turo s maraming bata dto po s lugar nmin dti n po ako s lambat seminar nun nsa malabon po ako sna po dto rin s bataan madami n po ako mga pastor n nka usap para s seminar at gusto po nla sna po ay makapunta po kyo ito po contack no# ko 09488849610 slamat po God bless…….
slamat po lambat seminar madami po ang nag nasa makapagturo s mga bata dhil hnd n cla mahihirapan s mga modules n gagamitin at materials God bless po
You’re welcome po.