About Lambat

Everyone has a certain outlook on life, a perspective on things, a way of interpreting the events that take place around us.  Sometimes this perspective is referred to as a worldview, a belief or value system.  Everyone has a worldview.  Some people are aware of it as such, some are not.  But everyone has a certain outlook on life.

What we believe to be true will determine what we value, that is, what we believe to be good and right.  And what we believe to be good and right will determine how we respond and react to situations around us. Our worldview is who we are.

Sino Kami? Ang Lambat ay isang community service organization na nagsusulong ng makabuluhang transformation sa pamamagitan ng pagtuturo ng values education.

Vision: The transformation of the Philippines into a godly and prosperous nation by 2026.

Ano ang aming gawain?

  1. Magturo (teach = transfer of knowledge)
  2. Magsanay (train = transfer of performance)
  3. Makasangkapan (equip =  transfer of ministry)

Ano ang aming tinuturo?

  1. Pananaw sa Buhay at Mundo – Ito ang tutulong sa bagong mananampalataya na magkaroon ng tamang pananaw sa buhay at sa mundo. Gagabayan siya ng BCW sa tamang relasyon sa Diyos, sa kapwa, sa awtoridad, sa lipunan at sa tamang pangangasiwa sa mga kaloob sa kanya ng Diyos.
  2. Makadiyos na Magulang – Binibigyang diin ng araling ito ang kabigatan ng responsibilidad ng pagiging magulang; na kung hindi aasa sa karunungan at kalakasan ng Diyos ang magulang, tunay na mahihirapan siya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak.
  3. Mapaglingkod na Pamumuno.  Sa pamamagitan ng araling ito, maagang matututuhan ng mananampalataya ang mga katangian at abilidad na kinakailangan niyang makamtan kung mayroon siyang pagnanais na maging mahusay na disciple-maker o elder o lider ng isang maliit o malaking samahan. Ituturo sa kanya ng araling ito kung paano mag-organize, magbigay ng direksyon at mag-control.
  4. Christian Values. Ito ay para sa mga nais maging guro ng Bible Clubs sa ilalim ng pamamamahala ng Lambat. Tinatalakay dito ang pilosopiya at metodolohiya ng pagtuturo ng Lambat.

Bakit kami nagtuturo? Upang ang Pilipino ay maging makadiyos, makatao, makabayan at makakalikasan.

Paano kami nagbibigay ng training? Kami ay nagse-seminar sa tatlong grupo ng manggagawa ng Diyos sa imbitasyon ng ministerial council ng bayan:

  1. Deborah – ang grupo ng kababaihan na tututok sa bagong henerasyon (edad 3-17)
  2. K4 – ang grupo ng kabataan na tututok sa susunod na henerasyon (edad 18-30)
  3. LaMP – ang grupo ng kalalakihan na tututok sa kasalukuyang henerasyon (edad 31 up)

Paano kami nag-e-equip para sa Christian Ed ng local church?

  1. Iorganize ang Christian Ed program ng local churches; pumili ng coordinator ng Deborah, K4, LaMP.
  2. Ang pastor at ang mga coordinators ay magsubmit ng homework ng Pananaw sa Buhay at Mundo sa pamamagitan ng email (lambatbcw@yahoo.com) o regular mail (23 Pennsylvania St. Metro South Subdivision, General Trias, Cavite 4133).
  3. Padadalhan ng Teaching Christian Values to the Filipino Youth ang pastor upang i-seminar ang mga Sunday school teachers.
  4. Pasagutin ng teacher’s quiz ang mga teachers upang sila ay macertify.
  5. Icheck ang mga sagot sa teacher’s quiz.
  6. Isubmit ang pangalan ng mga teachers at bilang ng mga estudyanteng tuturuan ayon sa kanilang age group level (pre-school – 3-6 years old; primary – 7-9 years old; intermediate – 10-12 years old; high school – 13-17 years old).

NOTE: Ang materials na pambata ay libre. Ang counterpart ng local church ay ang gastos sa pagkuha ng materials. Maaaring pick-up ang materials sa opisina ng Lambat. Kung malayo ang lugar, pauunahan muna ng Lambat ang pambayad sa courier. Ibalik na lamang ang nagastos ng Lambat sa pagpapadala sa pamamagitan ng banko o ibang paraan ng money transfer.

Paano kami nag-e-equip para sa barangay outreach ng local church?

  1. Padadalhan ang pastor at ang LaMP at Deborah coordinators ng Makadiyos na Magulang upang pag-aralan at sagutin ang homework.
  2. Ipadala sa Lambat ang mga sinagot na homework ng Makadiyos na Magulang kasama ang materials requests ng bawat coordinator (refer to #5 letter f)

Paano isinasagawa ang outreach sa barangay?

May dalawang entry points sa barangay. Una, ang opisina ng Barangay Captain at pangalawa, ang public school principal.

  1. Ang pastor/s ay makikipag-coordinate sa opisina ng Barangay Captain o public school principal upang sila ay makapagconduct ng Parenting Seminar sa mga magulang ng barangay o eskwelahan.
  2. Magform ng values classes ang mga certifed teachers at magturo isang beses isang linggo.

Paano kami nag-e-equip para sa municipal government outreach?

  1. Padadalhan ang ministerial council ng Mapaglingkod na Pamumuno upang pag-aralan at sagutin ang homework ng mga pastor na maiinvolve sa gawaing ito.
  2. Pagkatanggap ng mga homework ng Lambat, padadalhan na ang mga magseseminar sa munisipyo ng Values Formation seminar materials.

Paano isinasagawa ang outreach sa municipal government?

  1. Makipagcoordinate ang ministerial council sa Office of the Mayor upang makapagconduct ng lingguhang Values Formation Seminar kung saan ang lahat ng empleyado ng munisipyo ay aattend ayon sa schedule na itatalaga ng opisina.
  2. Ang seminar sa munisipyo ay may Php20/head registration. Ang Php10 ay para sa nag seminar at ang Php10 ay babalik sa Lambat para sa materials ng seminar participants.

Thought Construct

Ang ating mga pinaniniwalaan tungkol sa kalikasan ng Diyos  at ng tao (belief system) ay siyang huhubog sa ating mga pahahalagahan (value system), na siya namang magbibigay hugis sa clase ng ating pamumuhay (behavior) na mapagmamasdan sa   ating relasyon sa awtoridad (politics), relasyon sa kapwa (society) at sa pangangasiwa ng ating time, talent & resources na ipinag-katiwala sa atin ng Diyos (economics).

Q & A

Q: Ano ang libreng materials na ipinagkakaloob ng Lambat?

A: Ang libreng materials ng Lambat ay para sa mga bata (ages 3-17) na maaaring gamitin para sa Sunday school at home-based teaching kung saan ang magulang ang tagapagturo sa kanyang mga anak.

Q: Maaari ba naming gamitin ang mga materials na pambata sa  aming private school?

A: Maaari ngunit hindi maibibigay ng libre ang materials. Ito ay may counterpart donation na Php10.00 bawat workbooklet.

Q: Kung mayroon kaming public school ministry, maaari ba namin magamit ang mga materials ng Lambat?

A: Ang maibibigay lang ng Lambat ay ang teacher’s guide para sa tagapagturo. Hindi makapagbibigay ng workbook para sa mga estudyante. Subalit ang estudyante ay magkakaroon ng bahagi habang nagtuturo ang teacher.

Q: Ilang modules ang aralin ng mga bata?

A1: Ang mga aralin na pang grade school ay binubuo ng apat na modules na may tatlong (3) cycles:

  1. Diyos, Tao, Bayan at Kalikasan.
  2. Ang bawat module ay may pitong lessons.
  3. Ang bawat lesson ay ituturo ng dalawang magkasunod na  meetings.
  4. Ang total meetings para sa unang cycle ng apat na modules ay 56 weeks.
  5. Kapag nakatapos na ang mga bata sa unang cycle, tutuloy sila sa 2nd cycle o book 2 at pagkatapos ay 3rd cycle o book 3. Samakatuwid, may nakalaan na module para sa bawat grade level.

A2:  Ang aralin na pang high school ay binubuo ng anim na modules na may 3 cycles:

  1. Tamang Pananaw, Diyos, Tao, Politica, Lipunan at Economiya.
  2. Ang bawat module ay may 5 lessons
  3. Ang bawat lesson ay ituturo ng dalawang magkasunod na meetings
  4. Ang total meetings ng unang cycle ay 60 weeks.
  5. Kapag nakatapos na ang mga bata sa unang cycle, tutuloy sila sa 2nd cycle o book 2 at pagkatapos ay 3rd cycle o book 3. Samakatuwid, may nakalaan na module para sa year level.

Note: Ang mungkahi namin ay magkaroon ng recognition matapos ang bawat module upang maimbita ang mga magulang ng mga bata. Ito ang opportunity para maipasok ang gospel.

Comments

  • MrRed James  On July 18, 2011 at 6:00 pm

    Dear Brother/Sister,

    Greetings in the name of Jesus Christ.

    I am Somie Saleem, from Pakistan. Urdu and Punjabi are the biggest languages of this country. I visited your website and impressed by your work. I have one suggestion regarding booklets, sermon, tracks, and Bible studies and recording, it would be good, if these will be available in our native languages in Urdu and Punjabi. Reaching out to the people in their own languages is very helpful, affective and fruitful. If your ministry is interested and willing to reach unreached and untold in Pakistan with the materials in native languages, I can arrange to translate for messages, bible studies, biblical tracks, books and also Urdu page on your ministry website. Our all services will be provided with reasonable rates and whatever we get we use it to spread the word of God. Lets join together for the extension of the Lord’s kingdom.

    Would please to hear from you.

    With prayers
    Somie
    Pakistan

    • Lambat Pagasa  On July 21, 2011 at 2:42 pm

      Dear Somie,
      This is the first time that we have received a comment from outside the Philippines. I want to tell you that our materials are contextualized to suit the Filipino culture. However, please feel free to translate any part of our worldview teaching into Urdu for your own use. No charge.
      Sincerely in Christ,
      Conrad Tolosa

  • deosdado r pormento  On October 22, 2011 at 4:59 pm

    sumainyo po lagi ang pagpapala ng paninoon, nasa jeddah po ako ngayon,paano po ba ako makakakuha ng buong mga babasahin ng lambat upang mapag-aralan at higit sa lahat magamit ako ng panginoon dito sa ating mga kababayan.

  • Lambat Pagasa  On October 26, 2011 at 11:38 pm

    Greetings sa iyo Diosdado. maaari kang pumunta sa juntolosa.wordpress.com at doon mo makikita lahat ng aralin na maaari mong pag-aralan at magamit sa paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtuturo sa ating mga kababayan dyan sa jeddah.

    magsimula ka sa aralin na Pananaw sa Buhay at Mundo. may mga homework yon.
    1. email mo lang ang mga sagot sa gintolosa@yahoo.com.
    2. pagkatapos, puwede mo nang ituro yan sa iyong grupo
    3. kung gusto mong makakuha ng Teacher’s certificate on Biblical Foundation, pag-aralan at sagutin ang homework ng mga susunod pang aralin:
    a) Ang Mapaglingkod na Pamumuno
    b) Ang Makadiyos na Magulang
    c) Ang Mabuting Lingkod ng Diyos at Bayan (Lifestyle Discipleship)
    d) Ang Makabuluhang Pakikisalamuha sa Communidad (Lifetstyl Evangelism)

    Habang natatapos mong pag-aralan, sagutin ang homework at i-submit sa email ang mga sagot ng bawat module, maaari mo na itong ituro sa iyong mga kasamahan dyan.

    napaka-noble ng iyong hangarin na mapaglingkuran ang ating mga kababayan dyan sa jeddah.

    pagpalain ka ng Panginoon.

    pahabol: may mga babasahin din kami na pambata. sabihin mo lang sa akin kung interesado ka.

    Ang Lingkod ng Panginoon,
    Gin Tolosa

  • maica  On December 1, 2011 at 9:00 am

    Values Club Mindoro Philippines
    Sampaguita, Victoria, Oriental Mindoro
    Contact No: 09473488349/09109759248
    Email: vic_mindoro@yahoo.com
    Visit us at: vicmindorophil.multiply.com

    Ika-01 ng Disyembre, 2011

    Ptr. Conrad Tolosa
    LAMBAT Ministries

    Pagbati po sa pangalan ng ating Panginoong Jesus

    Ang Values Club o V-Club ay samahan ng mga bata at kabataan na nag-aaral ng Values Instruction Class (VIC) mula sa iba’t ibang paaralan dito sa Victoria,Oriental Mindoro ay magdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa Disyembre 10, 2011, ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon na may temang “Bata, Bata…Ikaw ay Pagpapala”.

    Kaugnay po nito, kami, sampu ng samahan ng mga V-club Volunteers ay humihingi ng inyong suporta, tulong pinansyal in-kind gaya ng pagkain ng mga bata, mga pares ng tsinelas at iba pa para sa gawaing ito.
    Inaanyayahan rin po namin kayo na magkaroon ng short message of encouragement para sa mahigit kumulang na 300-500 mga batang tinuturuan.

    Anuman po ang inyong ipagkakaloob para sa gawaing ito ay lubos naming pinasasalamatan. Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa pananalangin, pakikibahagi at pagtugon sa gawaing ito.
    Salamat po at sumainyo ang pagpapala ng ating Diyos.

    a) Kaayusan at katagumpayan ng Gawain.
    b) Financial na pangangailangan at mga pagkaing sasapat sa estimated 300-500 na mga bata.
    c) Sasakyan at gasolinang magagamit paghatid at pagsundo sa mga bata.
    d) Projector na magagamit sa araw ng gawain.

    Gumagalang, Sa kaalaman ni:

    Jeannie Rose M. Manalo Melanie T. Latonero
    Values Club Coordinator Campus and Community Coordinator

    Notado ni:

    Ptr. Abraham V. Latonero
    Provincial Ministry Coordinator

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.